^

Metro

Lolo kinatay matapos makipaglamay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 65-anyos na lolo na nakipaglamay sa burol sa isang kakilala ang siya ngayong paglalamayan makaraang saksakin ng isa rin sa nakipaglamay kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila. 

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba, ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na alas-6:30 ng gabi nang magpa­alam sa lamay ang biktimang si Danilo Peliño, residente ng Santiago St., Paco, Maynila subalit habang nagpapaalam umano kasama ang isa pa ay nagkatawanan muna na ikinasama naman ng loob ng isang dayo na nakikipaglamay din.

Hindi umano alam ng biktima na sinundan na siya ng suspect na si Robert Pangilinan, alyas “Bukol”, 37,  ng Calauan, Laguna na nainis sa pag-aakalang siya ang pinagtawanan.

Nang makatiyempo ay hinawakan umano ng suspect ang ulo ng biktima at itinulak sa nakaparadang motorsiklo at nang tumumba ay inundayan ng sunud-sunod na saksak. Nasawi ang biktima habang ginagamot sa  Philippine General Hospital.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga awto­ridad para madakip ang suspect. (Ludy Bermudo with trainee Jamille Obcena)

vuukle comment

DANILO PELI

JAMILLE OBCENA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RAMIR DIMAGIBA

ROBERT PANGILINAN

SANTIAGO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with