^

Metro

Hindi nagbigay ng senior citizen discount: Resto owner kinasuhan ng election lawyer

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kaso ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal ang may-ari ng isang restaurant sa Pasay City makaraang tanggihan siya na bigyan ng diskwento para sa pagiging senior citizen .

Kasong paglabag sa Expanded Senior Citizens Act ang isinampa ni Macalintal laban kay Ginalyun Harris, may-ari ng Café Medi­terranean.

Sa kanyang limang pahinang reklamo sa Pasay City Prosecutors Office sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Antonio Carlos Bautista, nakasaad na hindi umano ipinagkaloob  ni Harris  ang 20-porsiyento diskwento kay Macalintal bilang senior citizen nang kumain sila ng hapunan ng kanyang may-bahay na si Milagros, kasama ang dalawa pang kaibigan noong Hulyo 5 dakong alas-9:30 ng gabi.

Sinabi ni Macalintal na matapos silang kumain at iniabot sa waiter ang kanyang lisensiya pati na rin ang sa kanyang misis upang mapagkalooban sila ng diskwento, subalit tinanggihan umano ito ng naturang restaurant.

Nagpaliwanag ang mag-asawang Maca­lintal sa staff ng restaurant,  na nakalimutan lang nilang dalhin ang kanilang senior citizen card kaya’t pinakiusapan ang management na tanggapin na lang ang kanilang lisensya na doon naman ay makikita ang kanilang edad, pero nabigo pa rin silang makakuha ng discount.

Iginiit ni Atty. Macalintal na malinaw sa batas­ na anumang lehitimong identification card na magpapatunay ng edad ng isang senior citizen, tulad ng lisensya ay sapat ng basehan upang pagkalooban sila ng kanilang karapatan sa batas.

Sinabi pa ng abogado na sa kanilang apat na mga kostumer, isa lamang ang pinagbig­yan na makagamit ng senior citizen discount.

Napag-alaman na nauna nang sinampahan ng kahalintulad ding reklamo ni Macalintal ang Black Canyon Coffee shop sa Las Piñas City dahil sa pagbalewala umano sa senior citizen discount. 

Ayon pa kay Macalintal, hindi naman niya pakay na ipasara ang mga nasabing mga restaurant, subalit kinakailangan aniyang humingi ng public apology ang management ng mga nasabing restaurant, magbigay ng donasyon o anumang tulong sa mga “home for the aged” at magpaskel na ang mga ito ng abiso sa kanilang mga establisimento kaugnay sa karapatan ng mga matatanda.

ANTONIO CARLOS BAUTISTA

BLACK CANYON COFFEE

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

GINALYUN HARRIS

LAS PI

MACALINTAL

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with