Habang naghihintay sa isusunod na target killer ng solon, arestado
MANILA, Philippines - Isang hired killer na sangkot sa pagpatay kay dating Abra Rep. Luis Bersamin noong 2006 ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police Disrict habang naghihintay ng kanilang isusunod na target, ayon sa pulisya kahapon.
Si Lindon Alsate, 31, ay inaresto kasama ang kanya umanong coddler na si Ronald Bolor, 33, matapos na maispatang pagala-gala malapit sa bahay ng isang politiko na taga- Abra sa Brgy. Bagong Silangan sa lungsod.
Si Alsate, tubong Abra, ay lumitaw na ikatlo sa most wanted criminal sa kanilang probinsya at may tatlong arrest warrants laban sa kanya.
Ayon sa pulisya ikinumÂpisal ni Alsate ang pagkakaÂsangkot niya sa pitong inÂsidente ng pamamaril sa mga politiko sa Abra, kabilang si Bersamin.
Dagdag ni Albano, karamihan sa mga naging target ng suspect ay mga politiko sa Abra kung saan bago ang kanyang pagkakaaresto ay mayroon na naman itong minoÂmonitor na isang target na bahay.
Napag-alaman na apat na taong napagtaguan nito ang batas hanggang sa tuluyan na siyang maaresto sa tulong ng nagmamalasakit na residente.
Ayon kay Supt. Ramon Pranada, hepe ng Batasan Police Station, ang nasabing suspect ay umaming minamanmanan muna niya ang ta-trabahuhin bago paslangin tulad ni Bersamin.
Gayunman, hindi pa maÂsaÂsampahan ng kaso si Alsate para sa pagpatay kay Bersamin dahil sa may nakabinbing paglilitis laban kay ex-Abra governor Vicente Valera.
Si Alsate ay nadakip ng mga awtoridad habang siya at si Bolor ay papadaan sa isang checkpoint sakay ng isang motorsiklo.
Narekober sa mga suspects ang isang bag na nagÂlalaman ng isang kalibre .22 pistola na puno ng bala at dalawang cellphones.
Sabi ni Pranada, ang mga mensaheng nakalagay sa dalawang cellphones ay kalaunan nakumpirma na ang dalawa ay nagsasagawa ng surveillance para sa isang planong pagpatay sa isa pang politiko sa Abra.
Nabatid pa ng pulisya mula kay Alsate na bawat asasinasyon ay nagkakahalaga ng P50,000, ang P10,000 ay mapupunta kay Alsate para sa gagawing surveillance sa target. Kapag nagtagumpay sa operasyon, makakatanggap si Alsate ng bonus na P25,000, ayon pa kay Pranada.
- Latest