Anak hinataw ng bote, nanay nagbigti
MANILA, Philippines - Ipinasya ng isang ginang na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ilang segundo matapos na umano’y hatawin nito ng bote ang kanyang 8-taong gulang na anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon.
Dakong ala-1:20 ng haÂpon nang madiskubre ng isang Ricardo Arnaiz ang bangÂkay ni Marvelina Escandor, 45, vendor, naninirahan sa apartment no. 153 Sitio Pajo, Brgy. Baesa sa lungsod.
Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, nakatambay si Arnaiz sa lugar nang marinig niya ang 8 taong gulang na anak ng biktima na umiiyak sa loob at humihingi ng tulong.
Agad na kinatok ni Arnaiz ang pinto ng biktima pero sa kabila ng paulit-ulit na katok ay hindi ito sumasagot dahilan para humingi ang una ng tulong sa kapitbahay at puwersahang buksan ito.
Dito na tumambad ang biktima na nakatali ang leeg ng cabel wire sa kisame.
Samantala, base sa pagÂÂ sisiyasat ng Talipapa PoÂlice napuna umano ng mga kapitbahay nito na ang anak ng biktima ay maraming pasa sa noo at hematoma sa kaliwang mata.
Dito ay nalaman umano ng mga kapitbahay mula sa bata na pinalo siya ng kanÂyang nanay ng bote ng fundador at matapos nito ay nagpaÂkamatay na umano ang huli sa loob ng kanilang bahay.
Ang nasabing bata na nagtamo ng matinding head injury ay itinakbo sa Quezon City General Hospital para magamot.
- Latest