Ginang hinalay ng tanod sa loob ng brgy. hall
MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang barangay tanod maÂkaraang pagsamantaÂlahan nito ang isang ginang na may kapansanan sa pag-iisip sa loob mismo ng baÂrangay hall matapos makiÂsilong ang huli dahil sa baha sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ng Anonas Police Station 9, kinilala ang suspect na si Jericho Bellen, 34, ng Brgy. Amihan, Project 3 sa lungsod.
Si Bellen ay inaresto base sa reklamo ng isang 74-anyos na lola na si Aling Jesusa, matapos mahuli nito sa akto ang suspect habang inaÂabuso ang kanyang 46-anyos na anak na babae na may kaÂpansanan sa pag-iisip.
Sa imbestigasyon ni PO2 Sofia C. Caparroso, nangyari ang insidente sa mismong barangay hall ng Brgy. Amihan, Proj. 3 kamakailan, ganap na alas-8:45 ng gabi.
Ayon kay Lola Jesusa, pagpunta niya sa nasabing barangay, nagulat na lamang siya nang makita ang anak na si Joan na walang saplot sa katawan at ginagahasa ng suspect.
Dahil dito, agad na tumakbo papalabas ng barangay hall si lola at humingi ng saklolo kay PO2 Renato Martin at barangay tanod na malapit sa barangay hall at ipinaaresto ang suspect.
Sa panayam kay Jess Santos, executive officer ng barangay, napunta umano ang biktima sa kanilang baÂrangay matapos na makiÂsilong nang bahain ang kanilang bahay na umabot hanggang dibdib ang taas.
Kaya naman, pansamantalang kinupkop umano ang biktima habang ang nanay nitong si Aling Jesusa ay inaÂasikaso ang bahay nilang binaha. Tiyempo namang pagbalik umano ni Aling Jesusa sa barangay para tawagin ang anak na kumain ay saka niya naaktuhan ang suspect habang ginagahasa ang kanyang anak dahilan para ipaaresto niya ito.
Dagdag ni Santos, bago pa mangyari ang insidente, nagkakaroon na rin umano sila ng problema sa suspect dahil madalas umano itong lasing at posibleng ito ang ugat para gawin nito ang nasabing kahalayan.
- Latest