Mag-ama tiklo sa mga nakaw na car accessories
MANILA, Philippines - Nalambat ng mga operatiba ng pulisya ang mag-ama na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng mga nakaw na auto spare parts matapos ang pagsalakay sa kanilang lungga sa Quezon City.
Kinilala ni Quezon City PNP director P/Sr. Supt. Richard Albano, ang mag-amang suspek na sina Elias Teologo, 59; at Mark Teologo, 33, kapwa nakatira sa # 37 Batulao St. sa Brgy.Tatalon, Quezon City.
Ayon kay Albano, nasakote ang mag-ama matapos makatanggap ng impormasyon mula sa ilang concerned citizens kaya isinailalim sa surveillance ang nasabing lugar.
“Kaya talamak ang nakawan ng side mirror, dahil may bumibili, ngaÂyon kung aalisin natin ang bumibili, eh wala nang magnanakaw,†pahayag ni Albano.
Sabi ni Albano, maÂlaking problema ang gaÂnitong iligal na operasÂyon dahil marami na ang sangkot sa pagnanakaw at karamihan ay pawang menor-de-edad.
Narekober ng mga operatiba ng pulisya ang mga car accessories na umaabot sa P55,000 halaga na pinaniniwalaang mula sa mga miyembro ng Bukas-Kotse Gang.
Pormal namang kinasuhan ang mag-ama dahil walang maipaÂkitang business permit ‘to buy and sell ng second hand cars’ parts and accessories.
- Latest