^

Metro

NCRPO full alert sa balik eskuwela

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa full alert status simula sa araw na ito  ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang puwersa ng pulisya sa buong Metro Manila kaugnay ng pagbabalik eskuwela ng mil­yong estudyante.

Sinabi ni NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina na umpisa alas-8 ng umaga ay nasa full alert status na ang kanilang puwersa upang mabigyang proteksyon ang mga mag-aaral na daragsa sa Metro Manila.

Ayon kay Espina ang hakbang ay bahagi ng ‘Oplan Balik Eskuwela’ na nauna ng ikinasa ng NCRPO sa pagbabalik eskuwela sa Lunes (Hunyo 3).

Samantalang magdedeploy rin ang NCRPO ng aabot sa 10,000 pulis sa mga university belt, terminal ng bus, paliparan at daungan gayundin sa iba pang mga matataong lugar.

Kasabay nito, nagbigay ng direktiba si Espina sa limang District Director nito sa NCR na tiyakin ang seguridad sa lahat ng mga public transport terminals kabilang rin ang MRT at LRT stations.

Umpisa rin sa Lunes ay magsasagawa ng pag-iinspeksyon si Espina sa ilang mga paaralan sa Metro Manila upang personal na tignan ang ipinatutupad na seguridad ng kapulisan na kanilang inilatag para sa pagbubukas ng school year 2013-2014.

Kaugnay nito, inihayag naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo na ipinag-utos na rin ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang agresibong operasyon kontra sa mga elementong kriminal upang masupil ang pambibiktima ng mga ito sa mga estudyante.

Binigyang diin ni Purisima na kailangang ipagpatuloy ang kanilang momentum sa pagsugpo sa krimen at pag-aresto laban sa mga kriminal hindi lamang sa Metro Manila na sentro ng kanilang operasyon kundi maging sa lahat ng panig ng bansa.

“Yung police visibility malapit sa eskuwelahan , yan ang talagang nais palakasin ng ating PNP Chief  na makita at maramdaman ang pre­sensya ng ating mga pulis,” ani Cerbo.

Samantalang maglalagay rin ng mga Police Assistance Desks  ang PNP sa bisinidad ng mga paaralan upang ma­ngalaga sa seguridad ng mga eskuwelahan.

 

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF P

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

DISTRICT DIRECTOR

ESPINA

GENEROSO CERBO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with