Mga paaralan ininspeksiyon Maynila handa na sa pagbubukas ng klase
MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na handa na sila sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng libong mga estudyante sa iba’t ibang paaralan.
Ayon kay Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman, nagsagawa na sila ng inspeksiyon sa mga school building sa lungsod. Umaabot sa 32 public elementary schools at 71 public high school mayroon sa Maynila.
Sinabi ni de Guzman na maging ang mga canteen, palikuran at seguridad ay tiniyak din na maayos at sapat bilang tugon sa dadagsang mga estudyante.
Nabatid din kay de Guzman na sapat ang classroom sa mga paaralan sa lungsod kung kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga magulang at estudyante partikular na ang mga bagong lipat at pasok.
Bagama’t may mga ilang bagay umano ang hindi maiiwasan sa unang araw ng klase, pinayuhan naman ni de Guzman ang mga magulang na magtanong at habaan ang pasensiya upang maiwasan ang anumang gulo.
Kailangan din aniyang laÂging handang sumagot ang mga guro upang mapaliwanag sa mga magulang ang anumang sitwasyon.
Samantala, naniniwala din si de Guzman sa tama lamang na ipatupad ang Philippine Standard Time (PST) lalo na sa pagbubukas ng klase. Aniya, mas mainam na pare-pareho ang mga oras ng mga ahensiya ng pamahalaan upang maiwasan ang anumang anomalya at maibigay ang maayos na serbisyo sa publiko.
Ayon kay de Guzman, matapos na lagdaan ni PaÂngulong Aquino ang batas agad ding tumalima ang city government.
- Latest