^

Metro

Ex-OIC ng security agency, timbog sa karnap na sasakyan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinampot ang isang dating OIC ng isang security agency makaraang matunton sa kanyang posesyon ang isang karnap na Isuzu Crosswind ng mga operatiba ng MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit sa Quezon Avenue, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspect na si  Gil Emerenciana, 49, ng Sta. Mesa, Maynila ay dinakip dakong alas-6:00 ng gabi matapos marekober sa kanya ang karnap na kulay pulang Isuzu Crosswind (XDE-377).

Nabatid na naidulog ng isang Donald Benjamin Esterban ang reklamong pagkawala ng nasabing sasakyan noong Oktubre 21, 2012 habang nakaparada sa Harbor Square, sa CCP Complex, bahagi ng Malate, Maynila.

Depensa ng suspect, hindi niya alam na karnap ang sasakyan dahil ang may-ari umano ng kanyang pinapasukang Edcor Security Agency na si Beth Galvez ang nag­pakuha sa kanya ng sasakyan sa parking area sa 4th Floor ng  Royal Plaza sa Remedios St., Malate. Ipinaayos niya ito at nang ayos na ay binabawi umano ni Galvez upang ibenta.

“Sabi niya ipaayos ko daw, pinaayos ko tapos kinukuha na niya dahil ibebenta raw, e ayaw naman niyang ibalik ’yung ginastos ko na mahigit pa sa P20,000 kaya kinuha ko muna yong sasakyan,” anang suspect.

Ayon sa pulisya, ka­ilangan­ pa nilang kunan ng salaysay ang may-ari kung totoong inabandona na ang sasakyan at ipina­ayos lamang ng biktima simula nang mapasakamay noong Oktubre ng nakalipas na taon.

 

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

BETH GALVEZ

DONALD BENJAMIN ESTERBAN

EDCOR SECURITY AGENCY

GIL EMERENCIANA

HARBOR SQUARE

ISUZU CROSSWIND

MAYNILA

OKTUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with