^

Metro

Final testing ng PCOS machine sa Muntinlupa, nagka-aberya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaproblema  ang final testing at sealing ng mga precinct count optical scan (PCOS) machine sa mga presinto sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Ito ang inihayag ni Atty. Dina Va­lencia, officer ng Commission on Elections (Comelec) Muntinlupa, ma­ka­ra­ang matanggap ang ulat ng mga principal buhat sa mga pa­aralan sa Brgys. Cupang, Poblacion at Sucat, sa naturang lungsod.

Ang mga problemang nakaharap ng mga guro at principal ay depek­tibong scanner at iniluluwa ng mga makina ang mga balota habang ang iba ay may problema sa memory card.

Sinabi ni Valencia na kanila nang mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon sa iba pang mga paaralan at presinto habang iniulat na rin nila ito sa national support center ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu para agad na maaksyunan ito.

Nagkaroon din ng problema sa mga tinesting na PCOS machines sa Marikina Elementary School makaraang hindi mag-print ang mga election returns.  Kinailangan pang ire-start ang mga makina bago naayos.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon din ng aberya sa mga tinesting na PCOS machines sa Gotamco Elementary School sa Pasay City.

BRGYS

COMELEC

CUPANG

DINA VA

GOTAMCO ELEMENTARY SCHOOL

MARIKINA ELEMENTARY SCHOOL

MUNTINLUPA CITY

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with