^

Metro

MMDA: Road reblocking sa EDSA bawal sa umaga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA: Road reblocking sa EDSA bawal sa umaga
MMDA Chairman Don Artes.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na simula bukas, Dis­yembre 1, ipinagbabawal na sa tanghali ang mga paghuhukay at konstraksyon sa kahabaan ng EDSA lalo ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga na lang ang mga oras na maaari ang road reblocking at rehabilitasyon.

Ani Artes, ramdam na ang matinding tra­pik nitong nakaraang dalawang araw dahil sa tuluy-tuloy na construction at rehab sa EDSA, kaya bawal na rin ang daytime road diggings at construction, kahit pa priority project ng gobyerno.

Sakop din ng bagong oras ang Sabado at Linggo, dahil marami ang namimili at lumuluwas pa-Maynila tuwing weekend.

Gayunman, ibabalik ang road reblocking at repairs simula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang Enero 2, 2027 at isasagawa 24/7.

ARTES

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with