^

Metro

Ginamitan ng brass knuckles: 14-anyos patay sa sapak ng kaklase

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyang nasawi ang isang 14-anyos na high school student na si­napak  ng kaklase nito na gumamit ng “brass knuckles” sa kamao sa labas ng kanilang paaralan, kamakailan sa Taguig City.

Ayon sa ina ng biktima na si Nelia Habon, nag-enroll lamang umano sa Diosdado Macapagal High School noong nakaraang linggo ang kanyang anak na itinago sa pangalang Juny, nang masagi ang suspek na isa ring menor-de-edad.

Dito umano pinagtu­lungan ng dalawang binatilyo ang biktima hanggang sa sapakin ito ng isa sa mga suspek na armado ang kamao ng aserong knuckles.

Sa lakas ng pagkaka­sapak, nawalan ng malay ang biktima hanggang sa isugod­ siya sa Taguig-Pateros­ Hospital.

Tumagal nang dalawang araw sa pagamutan ang biktima hanggang sa tuluyang malagutan ng hi­ninga dahil sa pamamaga ng utak.

Sumuko naman sa pu­lisya ang isa sa mga bi­na­tilyong suspek na itinago ang pangalan at hawak na ngayon ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD). Hindi naman matiyak kung ito ang sumapak sa biktima.

Samantala, nahirapan naman ang mga mamamahayag na makakuha ng detalye sa insidente kay Taguig Police Chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, na ilang araw nang naganap sa kanyang hurisdiksyon at itinuturo na lamang ang DSWD. Tu­manggi itong magbigay ng “spot report” sa insidente.

Nanawagan naman kay Asis ng hustisya ang ina ng biktima lalo na’t nakalalaya pa ang isa pang sina­sabing suspek. Matagal na umanong paulit-ulit na nagaganap na panununtok ng mga “bully” sa labas ng pa­aralan na hindi masolusyunan ng pulisya.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

ASIS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOP

DIOSDADO MACAPAGAL HIGH SCHOOL

NELIA HABON

SHY

SR. SUPT

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with