^

Metro

Graduating student namatay habang nagpa-practice ng graduation

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong araw bago ang graduation, isang 4th year high school student ang nasawi, matapos na umano’y mag-collapse habang nagpa-practice ng graduation rites sa loob ng kanilang paaralan sa kasagsagan ng init sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa impormasyong ibinigay ng isang kaklase ng biktima, nakilala ang nasawi na si Rodesto Michael Lacerna, 15, 4th year high school student sa Philippine Science High School na matatagpuan sa Brgy.  Pagasa.

Si Lacerna ay idineklarang dead on arrival sa Philippine Children’s Medical Center matapos ang nasabing pagkakabuwal nito. Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente ganap na alas- 9 ng umaga sa loob mismo ng nasabing paaralan, partikular sa school gymnasium.

Diumano, nasa kainitan ng pagsasanay ang mga 4th year student para sa gagawing commencement exercise nang biglang bumuwal ang biktima.

Sa pagbuwal nito ay agad na nawalan ng ulirat ang biktima, saka mabilis na isinugod sa school clinic, para magamot.

Ayon kay Supt. Pedro Sanchez ng Masambong Police Station, matapos nito ay isinugod ang biktima sa naturang ospital, subalit sa kasamaang palad ay idineklarang dead on arrival.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng awtopsiya ang mga doktor ng ospital upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

AYON

BRGY

DIUMANO

MASAMBONG POLICE STATION

MEDICAL CENTER

PEDRO SANCHEZ

PHILIPPINE CHILDREN

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

RODESTO MICHAEL LACERNA

SI LACERNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with