^

Metro

Killer ng brgy. chairman, tukoy na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na ng pulisya ang isa sa dalawang suspect na bumaril at pumatay sa isang barangay chairman ng Bulacan habang ito ay naglilinis ng kanyang kotse sa harapan ng kanyang bahay sa Valenzuela City na naganap noong Lunes, Marso 11, 2013.

Sa pamamagitan ng litrato na ipinakita sa isang saksi na tumangging magpabanggit ng pangalan, nakilala  na ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspect na  si Willy Ciano habang inaalam na kung sino pa ang isang kasama nito.

Base sa rekord ng pulisya, kamakalawa alas-6:00  ng umaga nang pagbabarilin at mapatay ng mga suspect  ang biktimang si Ronald Legazpi, 46, barangay chairman ng Libutan, Meycauayan, Bulacan habang naglilinis ng kanyang sasakyan sa isa pang bahay sa Alcanar St.,  Brgy. Wawang Pulo, Valenzuela City.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motor­siklong (7604-UH) na nakita ng isang saksi.

Nang ipakita ang litrato ni Ciano sa saksi ay positibong kinilala na nakita na nakasakay sa nasabing motorsiklo bago maganap ang pagpatay.

Sa isinagawang berepikasyon ng mga pulis, nalaman na ang ginamit na motorsiklo ng mga suspect nang patayin nila ang biktima ay nakare­histro sa isang nagngangalang Maren De Guzman, ng Sipac-Almacen, Navotas City.

Nakatakdang ipatawag si De Guzman ng mga pulis upang maibestigahan habang hinahanap na si Ciano sa Antipolo City matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na doon nagtatago ang suspect.

vuukle comment

ALCANAR ST.

ANTIPOLO CITY

BULACAN

CIANO

DE GUZMAN

MAREN DE GUZMAN

NAVOTAS CITY

RONALD LEGAZPI

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with