^

Metro

AWOL na pulis nangarnap ng motorsiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng Manila Police District (MPD) ang tinutugis at isa pang si­bilyan sa pagtangay ng isang motorsiklo, habang ang isa pang kasamahan ay arestado sa isinagawang follow-up operation sa Sta. Mesa. Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit sa MPD-Anti Carnapping Unit (ANCAR) ang suspect na si Jonjon Dela Cruz, 36, ng no. 2202 Anonas St. Sta. Mesa, May­nila habang pinaghahanap ang isang PO1 Oliver Sanghel, dating nakatalaga sa MPD-District Headquarters Support Unit (DHSU), na napag-alamang matagal nang awol (absent without official leave) at isang kilala sa  alyas na  â€œArnel”.

Ayon kay Melvin Naco, 26, tri­cycle driver, ng no. 369 Va­lencia St., Sta Mesa, ang tatlo ang tumangay ng kanyang motorsiklo na kinalas pa umano ang sidecar nito habang nakaparada sa tapat ng Kangaroo internet shop, na pag-aari ng kanyang pin­san na si Barry Naco, dakong ala-1:00 ng hapon ni­tong nakalipas na Sabado.

Sinabi ni Barry na sinita pa niya si Dela  Cruz nang makitang kinakalas ang kulay itim na motorsiklo na may plakang 2382 UA at ti­­nawag ang pinsan na si Melvin su­balit iginiit ng mga suspect na kanila ang motorsiklo.

Habang hatak-hatak ng mga suspect ang motorsiklo ay umeksena umano ang nag­­pakilalang si PO1 Oliver Mendoza, na  nang beripikahin ay PO1 Oliver Sanghe, na nagsabi pa umanong “bakit ano ang problema niyo, kay Botyok (Dela Cruz) ito” at sabay nagpakita pa ng mga dokumento at mabilis na tumakas.

ANONAS ST. STA

ANTI CARNAPPING UNIT

BARRY NACO

DELA CRUZ

DISTRICT HEADQUARTERS SUPPORT UNIT

JONJON DELA CRUZ

MANILA POLICE DISTRICT

MELVIN NACO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with