^

Metro

Pagbabayad ng buwis sa Pasay bukas sa Sabado at Linggo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Upang maserbisyuhan ang higit na mara­ming mga negosyante at residente na hahabol sa pagbabayad ng buwis, bukas ang operasyon ng Pasay City Treasurer’s Office at Business Permits and Licensing Office ngayong darating na Sabado at Linggo.

Inatasan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto sina City Treasurer Manuel Leycano at ang mga opisyal at tauhan ng BPLO na mag-overtime ngayong Sabado at Linggo dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taxpayer’s.

Bukod dito, iniusog din ni Calixto ang palugit sa pagbabayad ng walang multa hanggang Lunes makaraang bumagsak ang orihinal na araw ng palugit sa araw ng Linggo.

Ayon sa alkalde, ang pagbibigay nila ng ekstensyon sa pagbabayad ng buwis ay bahagi ng kampanya para mahikayat ang mga negosyante na magbayad ng tamang buwis at makahikayat pa ng ibang mamumuhunan.

Sinabi nito na umaasa siya sa suporta ng mga negosyante sa pagbabayad ng tamang buwis na kapalit umano ay mas maayos na serbisyo. Tiniyak nito na lahat ng kanilang kikitain ay mapupunta sa mga proyekto sa imprastruktura, human resource, at mga pangunahing pangangailangan ng publiko.

Mag-uumpisang magbukas ang Pasay Trea­surer’s Office at BPLO mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at maaaring pa­lawigin pa kung kinaka­ilangan.

 

AYON

BUSINESS PERMITS AND LICENSING OFFICE

CITY TREASURER MANUEL LEYCANO

LINGGO

PASAY CITY MAYOR ANTONINO CALIXTO

PASAY CITY TREASURER

PASAY TREA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with