^

Metro

Bus nagliyab, 2 pasahero sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang pampasaherong bus ang biglang nagliyab sa Commonwealth Ave­nue na ikinasugat ng dalawang pasahero at  nagdulot ng labis na trapik sa may Quezon Me­morial Circle sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SFO3 Jose Felipe Ariza, BFP fire investigator, ang naglagablab na bus ay ang HM transport (TVZ-537) na minamaneho ng isang Emiliano Capitolo Jr. habang binabagtas ang nasabing lugar partikular sa Philcoa ganap na alas-7:44 ng gabi.

Nakilala ang mga su­gatan na sina Julie Casaway, 30 at Julius Servano. Sila ay agad na nilapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.

Ayon kay Ariza, sa inisyal na pagsisiyasat sa may bahagi ng lalagyan ng baterya ng bus unang nakita ang pagsiklab ng apoy na agad na lumaki,  hanggang sa tuluyang lamunin ang bus.

Wala nang nagawa ang driver at konduktor ng bus, sanhi para magpanik ang mga pasahero nito at ikinasugat ng nasabing mga biktima.

Naapula ang apoy alas-8:01 ng gabi.

Nagdulot naman ng trapik sa lugar ang naturang insidente dahilan para maantala ang pag­responde ng mga bumbero para apulain ito.

Tinatayang aabot sa P4 milyon ang halaga ng pinsala sa nasunog na bus.

ARIZA

AYON

COMMONWEALTH AVE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EMILIANO CAPITOLO JR.

JOSE FELIPE ARIZA

JULIE CASAWAY

JULIUS SERVANO

QUEZON ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with