Panglimang suspect sa Nicole case, pinalaya
MANILA, Philippines - Pansamantalang pinalaya ang inarestong kapitbahay ng pamilya Ella na sinasabing nagpaputok ng baril noong Bagong Taon sa Caloocan City.
Ayon kay Supt. Jack Candelario, tagapagsalita ng Caloocan City police na nakalaya na ang inarestong si Grene “George†Da matapos ipag- utos ng Caloocan Prosecutors Office na release for further investigation si Da para sa kasong illegal possession of live ammunitions.
Matatandaang, noong Enero 10 nang damputin si Da matapos ituro ng isa sa kanyang mga kapitbahay na nagpaputok ng kalibre 45 na baril noong Bagong Taon kung saan sa pamamagitan ng search warrant ay nakita sa bahay ni Da ang isang 9mm at anim na bala ng kalibre .45 at isang fired bullet ng .45 dahilan upang sampahan siya ng kasong illegal possession of ammunitions.
Samantala, sinabi pa ni Candelario na hinihintay pa rin nila ang resulta ng ballistic examination at cross matching sa narekober na fired bullet at basyo ng kalibre .45 at kung magpopositibo sa pagsusuri ng Philippine National Police-Scene of the Crime OpeÂrations ang basyo at fired bullet ng kalibre .45 ay aarestuhin nilang muli si Da.
- Latest