^

Metro

258 firecracker zones itinatag ng NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 258 firecracker zones ang inilatag ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang panig ng Metro Manila para sa patuloy pa ring pagtatangka na mapababa ang bilang ng mga napuputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni NCRPO Director Leonardo Espina na sa naturang mga firecracker zones malayang magpaputok ang publiko sa kani-kanilang lungsod.  Pinakamarami dito ang nasasakupan ng Northern Police District na may 107, Manila Police District (46), Southern at Quezon City Police Districts (45), at Eastern Police District (15).

Mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng NCRPO ang naturang mga firecracker zones upang matiyak na walang iligal na paputok na masisindihan sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Patuloy naman ang operasyon ng NCRPO sa pagkumpiska sa mga iligal na paputok lalo na ang nauusong Gangnam Boom, Pacquiao at Goodbye Bading.  

Kasama rin sa kinukumpiska ang Piccolo, Watusi, 5-star, Pla-Pla, Judas Belt, Happy Ball, Dancing Dragon, Sparklers, Steel Beauty, Giant Trompillo, Mabuhay Rainbow, Roman Candle, Bawang at Dragon Blooming.

BAGONG TAON

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

DRAGON BLOOMING

EASTERN POLICE DISTRICT

GANGNAM BOOM

GIANT TROMPILLO

GOODBYE BADING

HAPPY BALL

JUDAS BELT

MABUHAY RAINBOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with