Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon dumalaw sa Manila City Hall
MANILA, Philippines - Mainit na pagsalubong ang natanggap ni Miss Universe 1st runner-up Janine Mari Tugonon matapos itong mag-courtesy call kahapon kay Manila Mayor Alfredo S. Lim.
“Kami ay nagpapasalamat at very honored that we get to be visited by Janine. Para sa akin, siya ang dapat nanalo ng Miss Universe,” ani Lim.
“The City of Manila is so proud for the victory of Janine, sayang nga lang at hindi siya ang nakakuha ng titulo, dapat ang mga judges nagpatingin sa optiko. Sometimes those things happen in life. Janine will spread love not only to our country but also to the world, that’s what we want, peace, love, friendship to everybody,” ani pa ng alkalde.
Ani Tugonon, espesyal sa kanya ang lungsod ng Maynila dahil siya ay nag-aral sa UST na sakop nito at masaya siya nang matanggap ang imbitasyon ni Lim dahil kahit minsang nagkita na sila ng alkalde, ngayon lamang umano sila nagkaharapan at nakapag-usap nang personal.
- Latest