^

Metro

Paputok, pailaw bawal ipasok sa LRT stations

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpaalala kahapon ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok ng anumang uri ng paputok o pailaw sa lahat ng kanilang istasyon bago o matapos ang Bagong Taon.

Sinabi ni LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera na hindi nila itinitigil ang pagpapatupad ng “no inspection, no entry policy” sa lahat ng kanilang istasyon sa LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) at Line 2 (Santolan-Recto) upang hindi makalusot ang anumang uri ng pampasabog kabilang na ang mga paputok at anumang uri ng armas.

Matatandaan na kama­kailan, iprinisinta ng LRTA ang higit sa 5,000 iba’t ibang uri ng mapanganib na armas (mula teaser guns hanggang stick ng bananaque) na kanilang nakumpiska sa loob ng dalawang taon na nakatakdang isuko sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Cabrera na hindi sila nagbababa ng alerto lalo na ngayong Disyembre para maproteksyunan ang nasa 750,000 pasahero nila kada araw. Nanawagan ito sa kanilang mga mananakay na panatilihin ang pasensya at isailalim ang sarili sa inspeksyon para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ipinagmalaki nito na su­ma­­­sailalim umano ang kanilang mga guwardiya sa re­gular na “seminars at refresher courses­” sa pagkilala ng bomba, bala, at iba pang armas sa ilalim ng pagtuturo ng PNP-Special Action Force (SAF).

Sa kabila naman ng reklamo kamakailan ng isang estudyante na tinagurian sa social media na “Amalayer Girl”, iginiit ni Cabrera na dumaraan umano sa seminar ang kanilang mga guwardiya sa tama at magalang na paki­kitungo sa mga pasahero.

AMALAYER GIRL

BAGONG TAON

CABRERA

HERNANDO CABRERA

KANILANG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SINABI

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with