^

Metro

X-mas lights na bawal sa Europa, binebenta sa Divisoria

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng environmental group na Eco­Waste Coalition na malayang naibebenta sa  Divisoria ang mga Christmas lights na bagsak sa pamantayan ng mga bansa sa Europa dahil sa panganib nito sa kalusugan.

 Sinabi ni Anthony Dizon, coordinator ng EcoWaste, na bagsak sa RoHS (Restriction of Hazardous Substances) na ipinatutupad sa Europa ang mga Christmas lights na nabibili sa bansa lalo na sa Divisoria.

 Nabatid na bumili ng Christmas lights ang grupo sa Divisoria noong Nob­yembre 22 na isinailalim nila sa pagsusuri. Sa limang sampol, natuklasan na lagpas sa 1,000 parts per million (ppm) limit ang sangkap na lead nito na bagsak sa pamantayan ng RoHS ng European Union. Dalawa naman sa mga sampol ang may sangkap na cadmium na higit sa 100 ppm limit.

 Wala ring label ng mga kemikal sa naturang mga produkto na dapat ay magsi­silbing babala sa mga mamimili. Maituturing na nakasa­sama umano ito sa kalusugan lalo na sa mga bata kung paglalaruan at maisusubo ang kamay na humawak sa Christmas lights.

 Sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Zenaida Maglaya na mahigpit naman ang kanilang kampanya sa mga negosyante na dapat ay magbebenta lamang ng mga produktong pumasa sa International Commodity Clearance (ICC) standards.

 Pinayuhan ni Maglaya ang mga mamimili na tiyakin na may ICC clearance ang mga Christmas lights na kanilang bibilhin bilang dekorasyon sa kanilang bahay ngayong Kapaskuhan.

ANTHONY DIZON

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIVISORIA

EUROPEAN UNION

INTERNATIONAL COMMODITY CLEARANCE

RESTRICTION OF HAZARDOUS SUBSTANCES

SINABI

UNDERSECRETARY ZENAIDA MAGLAYA

WASTE COALITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with