Flying V nagtapyas sa presyo ng petrolyo
MANILA, Philippines - Nagpatupad ng panibagong tapyas presyo ang kompanyang Flying V sa kanilang mga produktong petrolyo kaninang hatinggabi.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi, nagbawas ng P1.50 kada litro ng presyo ng premium, at unleaded gasoline habang P1.00 naman kada litro ng Biodiesel. Wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang regular gasoline at kerosene.
Matatandaan na unang nagtapyas ng kanilang mga produktong petrolyo noong Oktubre 22 ang halos lahat nang kompanya ng langis ng P0.90 sentimos kada litro ng unleaded gasoline, P0.25 kada litro naman ng kerosene P0.35 sa diesel at P0.40 sentimos naman kada litro ng regular gasoline.
Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang iba pang kompanya ng langis na inaasahang susunod rin sa naturang rollback.
Base sa pahayag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
- Latest