^

Bansa

Graft pinababasura ni Jinggoy sa SC

TOFF of the world - Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinababasura ni da­ting senador Jinggoy Estrada sa Korte Suprema ang kasong graft na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan  kaugnay ng plunder case na may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa kanyang petition for certiorari sa SC en banc, hiniling ni Estrada sa Korte na atasan ang Sandiganbayan 5th Division na ibasura ang kaso dahil na rin sa kawalan ng merito.

Naniniwala si Estrada na inabuso ng Sandiganbayan ang kanilang kapangyarihan nang balewalain nito ang kanyang kahilingan na idismis ang kasong graft matapos na maglabas ng resolution ang anti-graft court noong July 14, 2016 at October 4, 2016.

Kasama ni Estrada sa kasong plunder sina da­ting senador Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.

JINGGOY ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with