^

Dr. Love

Nai-in love na sa hipag

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napakasaya namin ni Mildred matapos ang aming kasal. Tatlong taon din kaming engage bago kami pinagtaling-puso. Ngayon ay may isa na kaming two years old na anak na babae.

May ate siya na naninirahan sa Amerika na iniwanan ng asawa matapos na ito’y ma-stroke. Dahil wala nang mangangalaga sa kanya sa ganyang katayuan, nagpasya itong bumalik at mamirmihan na sa Pinas. Sa amin siya nanirahan.

Naawa ako sa kanya at porke’t malaki naman ang sahod ko ay kinuha ko siya ng caregiver. Tuwing nasa bahay ako, ako ang nag-aalaga sa kanya at napansin ko na parang walang concern ang asawa ko sa kalagayan ng kanyang ate. May malaon pala silang samaan ng  loob dahil ang ate niya ang paborito ng kanyang mga parents nang ang mga ito’y buhay pa.

Ang sobra kong concern sa hipag ko ay naging madalas naming pinag-aawayan. Hanggang tinabangan ako sa inuugali ng asawa ko at naramdaman ko na nai-in love na  ako sa hipag ko. Ano ang dapat kong gawin?

Baste

Dear Baste,

Palagay ko, awa lang ang nadarama mo sa iyong hipag. Una, nakalulunos ang kanyang kalagayan at ikalawa, hindi pa maayos ang pagtrato sa kanya ng kanyang kapatid.

Awa lang iyan na napagkakamalan mong pag-ibig. Tutal, ikinuha mo na siya ng tagapag-alaga, sapat na ‘yon.  Tama na paminsan-minsan ay makipagkuwentuhan ka sa kanya dahil kung lalabis ay baka pagselosan pa ng iyong asawa.

Ipag-pray na lang natin na magkaroon ng pagkakasundo at pagpapatawaran ang magkapatid.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with