^

Dr. Love

Ayaw pa pakasal ng gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Anim na taon na kami ng aking girlfriend na sobrang mahal ko. Three years ago, sinabihan ko siya na magpakasal na kami pero ayaw pa niya. Gusto raw muna niyang magsawa sa pagkadalaga.

Wala na naman kaming problema , gaya ng tampuhan o hindi pagkakaunawaan. Established na rin ako dahil may sarili na akong bahay at may matatag na negosyo. .

Last year, inungkat ko itong muli sa kanya pero ayaw pa rin niyang magpakasal.

Nangako siya na itong taong ito ay papayag na siyang magpakasal kami. Ngunit nang ungkatin kong muli ang tungkol sa kasal,  humingi siya ng two years pa.

Six years ang tanda ko sa kanya at ngayon ay 35 anyos na ako.

Minsan ay nagdududa na ako kung mahal bang talaga niya ako. Ayaw ko pa naman mag-asawa na sobra na ang tanda ko.

Sumasagi na sa isip ko ang paghahanap ng iba. Ano sa tingin mo, Dr. Love?

Danny

Dear Danny,

I think you are matured enough para masuri ang iba’t ibang aspeto sa pakikipagrelasyon mo sa iyong gurfriend, kaya nasa sa iyo ‘yan. Kung ikinaiinip mo na  ang pagsagot niya ng oo, diretsahin mo siya tutal matagal na ang pinaghintay mo.

Isa pa, kung ayaw pa niya ay baka nga hindi pa siya emotionally ready sa buhay may asawa.

Maaaring pag-ugatan ito ng problema sa darating na anahon kung pipilitin mo siyang magpakasal na.

Kaya pag-isipan no itong mabuti at ipanalangin ang gabay sa iyong maaaring maging desisyon para wala kang pagsisihan.

Dr. Love

vuukle comment

DANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with