Niligawan ang madre
Dear Dr. Love,
Nag-aaral ako sa Catholic School at gradua-ting na sa high school. Marahil sasabihin mong kabaliwan ang ginawa ko o bunga ng aking padalusdalos na desisyon dahil bata pa ako.
May bagong destinong madre sa aming paaralan at naka-assign bilang librarian.
Ang ganda-ganda niya at na-in love agad ako. Naging madalas ang pagpunta ko sa aklatan para kunwari ay magbabasa at hihiram ng aklat.
Ang totoo, tinititigan ko lang si Sister Anne. Ang ganda talaga. Minsan nang magsauli ako ng hiniram na libro, nag-ipit ako ng sulat. Sabi ko, Sister Anne, I love you at inilagda ko ang ngalan ko.
Hindi pala niya nakuha ang sulat at class adviser ko pa ang sumunod na humiram ng aklat. Ipinatawag ako ng guro ko nang mabasa ito at kinagalitan ako kaya napahiya ako sa aking sarili.
Mali ba ang ginawa ko?
Edwin
Dear Edwin,
Sana naisip mo na madre ang niligawan mo at sa kulturang Katoliko, mali ‘yon. Pero bata ka pa, isang teenager na madalas nakakagawa ng mga kakatwang bagay.
Noong nag-aaral ako sa Catholic School, may mga kaklase ako na nagkaroon ng girlfriend na teacher namin pero kinukunsinti ng mga madre ang relasyon. Teacher lang kasi ‘yon at ibang usapan kung madre.
Kalimutan mo na ‘yon at huwag nang ulitin. Okay lang ang humanga pero sarilihin mo na lang ito.
Dr. Love
- Latest