^

Dr. Love

Malaki ang pasasalamat

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil nakauwi ng ligtas ang asawa ko galing sa Israel. Hanggang sa kasalukuyan ay matindi pa rin ang palitan ng pag-atake roon. Mabuti at mabait at talagang mapagmalasakit ang amo niya na siyang tumulong sa kanya para makauwi ng Pilipinas.

Sa totoo lang, hindi namin alam kung paano na ang mangyayari gayong ang malaking bahagi ng aming earnings ay galing sa kita ni misis sa abroad. Gayunman, alam ko na makakaraos kami at higit na mahalaga na magkasama kami.

Sa ngayon ay nag-iisip ako ng pwede na-ming pagtulungan na mag-asawa bilang source of income. Kung online selling ba o pagkaka-rinderiya, dahil pareho kaming mahilig magluto.

Pero isang bagay pa ang ikinukonsidera ng aking asawa, ang paglipat sa ibang bansa kung saan niya balak mamasukan. Ang sabi niya, malakas pa naman siya at productive pa kaya hangga’t kaya aniya, i-grab namin ang chance.

Hindi naman ako tututol basta masiguro na talagang magiging safe siya sa pupuntahan niyang bansa. Para kasing bangungot sa akin nung nasa magulong lugar siya.

Sa palagay mo, Dr. Love tama ba ang pag-sang-ayon ko sa asawa ko na umalis uli at mamasukan sa ibang bansa?

Noel

 

Dear Noel,

Tama ka na tiyakin ang magiging kalagayan ng misis mo sa balak niyang puntahan na bansa. Ang payo ko, para sa kapanatagan ninyo ay pag-aralan ng mabuti ang tungkol dito. Una na ay alamin kung lehitimo ang job post para masiguro na hindi mabiktima ang illegal recruiter. Dapat din na maging malinaw ang kontrata, lalo na ang sweldo niya. Mainam na hingin ninyo ang gabay ng mga ahensiya ng gobyerno tungkol dyan. At kapag ok na ang lahat, saka kayo magdesisyon. Importante rin na ang bawat plano natin ay ilatag sa Panginoon dahil siya pa rin ang may final say.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with