4 DDS vlogger ipinaaaresto ng Kamara
MANILA, Philippines — Ipinaaaresto na ng House Tri-Committee ang apat na social media influencer na kilalang mga Diehard Duterte Supporter (DDS) matapos hindi dumalo sa pagdinig noong Martes sa isyu ng fake news at disinformation.
Kasunod ito ng ipinataw na contempt sa apat dahil sa patuloy na pagbalewala sa imbitasyon na humarap sa pagdinig.
Ipinaaaresto sina Allan Troy “Sass” Rogando Sasot, Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa, at Jeffrey Almendras Celiz.
“Mr. Jeffrey Celiz, Ms. Badoy, and Ms. Sasot violates section 11 paragraph A, may I respectfully move that the three mentioned name be detained until the committee hearing will be terminated and be detained in the premises of the House,” saad ni Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano.
Samantalang si Mark Anthony Lopez ay pinaaaresto dahil sa post nito laban sa House Tri Comm. Siya ay makukulong naman ng 10 araw.
Binasa ng solon ang ilang bahagi ng blog ni Lopez na aniya’y naglalayong sirain ang kredibilidad ng komite.
Nag-mosyon din si Paduano upang alamin ng komite sa mga ahensya ng gobyerno kung nasaan si Sasot. Hiniling niya na alamin din ng DFA at Bureau of Immigration ang estado ni Celiz habang si Badoy ay isinailalim din sa contempt kahit pa nagpasa ito ng travel documents na nagsasabing nasa Hong Kong siya.
- Latest