Re-enactment sa pagkasawi ng 2 Atenista, isinagawa ng CIDG

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng re-enactment kahapon sa Dipaculao, Aurora ang mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na bahagi ng imbestigasyon sa pagkasawi ng mga Ateneo student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon sa PNP-CIDG, mahalaga ang re-enactment dahil makikita at maitutugma ang mga pangyayari bago at hanggang masawi ang dalawang Atenista.
Aalamin din ang kondisyon ng karagatan at susukatin din kung gaano kataas ang alon nang mangyari ang insidente gayundin ang lalim at distansya ng lahat ng kalahok sa aktibidad.
Tutukuyin din kung gaano kalayo ang mga biktima na abot ng CCTV ng resort na ikukumpara sa mga salaysay ng coaches, players, at iba pang testigo.
Tiniyak ng CIDG na wala silang palalampasing malilit na detalye upang mahanap ang katotohanan at maihatid ang katarungan sa mga naulilang pamilya.
Giniit na nais nilang makuha ang konkretong detalye at katotohanan at iniiwasan nila ang mga espekulasyon na posibleng magpagulo sa imbestigasyon.
- Latest



















