6 pang baril ni Bato isinuko sa PNP

MANILA, Philippines — Anim na baril pa ang isinuko sa Philippine National Police (PNP) na nakarehistro kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos bawiin ang kanyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at firearm registrations.
Ayon sa PNP, isinuko ng legal na kinatawan ng senador ang mga baril noong Lunes sa kanyang tahanan sa Silang, Cavite. Pinangasiwaan ng Firearms and Explosives Office at Regional Civil Security Unit 4A ang turnover.
Dahil dito, umabot na sa 26 ang kabuuang bilang ng mga baril na nasa kustodiya ng PNP, kasama ang 20 na naunang isinuko noong Hunyo 11. Gayunman, may 91 pang baril na hindi pa naiti-turnover mula sa kabuuang 117 firearms na sakop ng revocation order.
Ang pagbawi sa lisensya at rehistrasyon ng mga baril ay ipinatupad ng PNP Firearms and Explosives Office alinsunod sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
- Latest


















