GoreBox tinanggihan Senado sa school shooting

MANILA, Philippines — Tumanggi ang developer ng GoreBox, ang online game na iniuugnay sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban, na dumalo sa pagdinig ng Senado sa Hulyo 1.
Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na hihingi siya ng tulong sa German Embassy sa Pilipinas upang matiyak ang partisipasyon ng developer na naiulat na nakabase sa Germany.
Sa kanyang email sa Senate Committee Secretariat, sinabi ng developer ng GoreBox na si Felix Filip na ang gaming app ay “classified 18+ at hindi inilaan para sa, o nakadirekta sa mga menor-de-edad.” Sinabi rin ni Filip na nakikiramay siya sa pamilya ng mga biktima.
“I want to express my sincere condolences to the families of the victims, to the students and staff of San Jose National High School, and to the wider community in Tacloban City. What happened on 22 June is a profound tragedy, and those affected by it deserve to be at the centre of this matter,” sabi ni Filip sa kanyang email.
Wika ni Hontiveros, nananatiling bukas ang kanyang komite upang mapadali ang pagdalo ni Filip sa imbestigasyon kung sakaling magbago isip nito.
- Latest


















