^

Bansa

13-flr NKTI bldg. ‘biggest dialysis center’ sa Asya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
13-flr NKTI bldg. ‘biggest dialysis center’ sa Asya
Sa personal na pag-inspeksyon ng Pangulo sa proyekto, sinabi nitong kailangang mapabilis ang konstraksyon dahil mahigit 11% ng mga Pilipino ang may chronic kidney disease (CKD) at patuloy na tumataas ang pangangailangan sa dialysis treatment.
Businessworld

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng bagong Hemodialysis Building ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI sa Quezon City.

Sa personal na pag-inspeksyon ng Pangulo sa proyekto, sinabi nitong kailangang mapabilis ang konstraksyon dahil mahigit 11% ng mga Pilipino ang may chronic kidney disease (CKD) at patuloy na tumataas ang pangangailangan sa dialysis treatment.

Kapag natapos, magiging pinakamalaking dialysis center sa Southeast Asia ang 13-palapag na gusali na magkakaroon ng 200 state-of-the-art dialysis machines, Malasakit Center, operating rooms, pharmacy at iba pang pasilidad para sa mga pasyente at healthcare professionals.

Ayon sa Pangulo, binago ng pamahalaan ang sistema ng pagpopondo sa proyekto upang mapabilis ang konstraksyon. Aniya, sa halip na paunti-unting inilalabas ang pondo, buong pondo na ang inilaan upang sabay-sabay na maisagawa ang iba’t ibang phase ng proyekto.

Target ng pamahalaan na magsimula ang operasyon ng bagong dialysis center sa unang bahagi ng 2028.

NKTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with