^

Bansa

OCD handa sa worst case scenario kay ‘Pepito’; 10 milyong katao apektado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
OCD handa sa worst case scenario kay ‘Pepito’; 10 milyong katao apektado
Satellite rendering shows tropical cyclone Pepito taken as of 9:45 a.m. on Nov. 16, 2024.
RAMMB / Philstar.com's screenshot

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na handa na sila sa posibleng epekto at panga­nib na dulot ng Super Typhoon Pepito sa 10 milyon katao sakaling manalasa ito sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas regions.

Ayon kay OCD Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, pinaghahandaan nila ang “worst-case scenario” tulad ng pananalasa ng bagyong Kristine noong nakaraang buwan.

“Huwag na nating asahan ‘yong maganda. Kahit ako naman, gusto nga nating malusaw ‘yong bagyo pero dapat, again for the purposes of conservative planning, lalo na ‘yong mga dinaanan ng Kristine na naranasan na nila, isipin na nila na maaring ganon uli,” ani Nepocumeno.

Sinabi ni Nepomuceno, na umaasa sila na hindi na mangyari ang katulad na hagupit at pananalasa ni Kristine subalit kailangan na handa ang lahat sa pag-evacuate at paglikas ng mga mamamayan.

“Hindi natin gustong mangyari ‘yon subalit ‘yon ang dapat na lebel ng paghahanda natin,” ani Nepomuceno.

Pumasok ng Philippine Area of Responsibility si  Pepito nitong Huwebes at inaasahan na magla-landfall sa Catanduanes ngayong umaga, ayon sa PAGASA.

Umaabot naman sa 13,857 personnel ang  ipinakalat para sa disas­ter response at relief ope­rations kabilang na ang 1,282 search at rescue teams.

Nabatid na nasa 11,448 pamilya o 35,335  katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers matapos ang pananalasa ng nagdaang mga bagyo.

“Tapos na dapat tayo sa paghuhulaan o aasa tayo na sana malusaw ‘yong bagyo, sana huwag dumaan, sana hindi malakas ‘yong ulan na dala – itigil na po natin ‘to; doon tayo mapapahamak. Mas maganda bago dapat ang ating attitude. Doon tayo sa paghahanda sa posibleng pinakamalalang posibilidad na epekto ng bagyo,” dagdag pa ni Nepomuceno.

Samantala, nakahanda na rin ang mga family food packs na ipamamahagi ng DSWD sa sandaling humambalos si Pepito.

Naglalaman ng 6 kilo ng bigas, 10 canned goods, 5 sachets  kape, 5 choco malts na sapat na umano sa isang pamilya na may 5 miyembro.

OCD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with