Mga estudyante, hinimok na pangalagaan karunungan, integridad, kagandahang asal
MANILA, Philippines — Pinuri ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang daan-daang mga estudyante ng Dasmariñas City, Cavite na kinilala ng lokal na pamahalaan dahil sa kanilang academic achievements nitong Linggo.
Sa kanyang talumpati sa taunang Gawad Karangalan ng lungsod, ipinaalala rin ni Tolentino sa mga mag-aaral na ang natanggap nilang pagkilala ay may kaakibat na responsibilidad para patuloy na maging huwaran sa kanilang mga kapwa kabataan.
“Nawa’y maging tagapangalaga kayo ng karunungan, integridad, at kagandahang asal na natutunan n’yo sa inyong paaralan, mga magulang, at komunidad,” ani Tolentino.
“Tungkulin n’yo rin na ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa edukasyon, para kayo’y tularan ng mga susunod pang batch ng mga estudyante. Sa ganitong paraan ay nakapaghahatid kayo ng dangal sa inyong lungsod na sumuporta sa inyong edukasyon,” diin nya.
- Latest