^

Bansa

166th Malasakit Center binuksan sa Tabuk City, Kalinga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng ­Senate health committee, ang matagumpay na inagurasyon ng ika-166 Malasakit Center na matatagpuan sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City, Kalinga noong Martes.

Ideya ni Go na pagsama-samahin sa programang Malasakit Centers ang tulong medikal mula sa mga ahensya ng gobyerno ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office sa isang lokasyon sa loob ng mga kwalipikadong pampublikong ospital.

“Isang magandang balita ang hatid natin ngayon dahil 166 na ang Malasakit Centers na naitayo sa buong Pilipinas...ang pinakabagong Malasakit Center ay nasa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City,” anunsyo ni Go.

Ang inisyatibang ito ay upang pagaanin ang pasanin ng mahihirap na pasyente na hindi na kakailanganing bumisita sa mga nasabing ahensiya para makahingi ng tulong.

“Tuluy-tuloy lang ang programang ito dahil hindi natin dapat pinahihirapan ang mga pasyente. Dapat tulungan natin sila para hindi na sila pumipila sa iba’t ibang ahensya para makahingi ng tulong mula sa gobyerno,” paliwanag ni Go.

“Huwag na ‘yung sila pa ang lalapit sa atin para magmakaawang humingi ng tulong. Tulungan natin ang mga mahihirap, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo, sa kapwa natin mga Pilipino. ‘Yung mga helpless, hopeless na umaasa sa gobyerno, sila po ang dapat nating unahin,” idinagdag niya.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with