^

Bansa

Shiela Guo, pinakakasuhan na ng DOJ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Shiela Guo, pinakakasuhan na ng DOJ
Shiela Guo, sister of dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, responds to questions at the Senate justice and human rights panel hearing on August 27, 2024.
Senate SMU/Voltaire Domingo

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Shiela Guo, ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Ty, si Shiela, na ang tunay na pangalan ay Zhang Mier, ay mahaharap sa mga kasong disobedience to summons at paggamit ng pekeng Philippine passport.

Sa isang ambush interview, inamin din naman ni Ty na si Shiela ay kuwalipikado pang maging state witness laban sa kanyang sariling kapatid.

Ani Ty, ayaw niyang pangunahan ang anumang desisyon ngunit nang matanong hinggil sa posibilidad, ay inamin niyang kuwalipikado si Shiela upang maging state witness.

Dagdag pa ni Ty, kung paniniwalaan ang mga testimonya ni Shiela sa Senado, ay lumilitaw na hindi siya ang may pakana ng lahat at sa halip ay nadamay lamang.

Bukod kay Shiela, pinasasampahan na rin ng kaso si Cassandra Li Ong, kinatawan ng Lucky South 99 POGO, ng mga kasong disobedience to summons at obstruction of justice.

Ang dalawa ay sasampahan din ng mga kasong money laundering ngayong linggong ito habang si Ong, ay maaaring maharap din sa kasong qualified human trafficking.

Matatandaang sina Shiela at Ong ay nadakip sa Indonesia noong nakaraang linggo.

Una na ring inamin ni Shiela na kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Alice at Wesley nang tumakas palabas ng bansa sakay ng isang maliit ng bangka.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na si Alice, na nagpanggap na Filipino upang makatakbo sa pagka-alkalde sa Bamban, Tarlac, ay nasa Jakarta pa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with