^

Bansa

2 ‘sex slaves’ ni Quiboloy lalantad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handang lumantad ang dalawa sa lima umanong ‘sex slaves’ ni  Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Davao City Police chief PCol. Hansel Marantan, handa ang dalawa na isiwalat ang umano’y pambababoy na ginawa sa kanila ni Quiboloy.

“Doon sa five, ang dalawa ang decided talaga na mag-testify. ‘Yung tatlo nag-iisip pa,” ani Marantan.

Paliwanag ni Marantan, hindi umano nila maaaring puwersahin ang mga biktima sa pangamba na maakusahang tao ni Quiboloy kaya namimilit.

Sa ngayon aniya nakikipag-ugnayan sila sa mga eksperto upang makumbinsi ang iba pang biktima.

Sinabi ni Marantan na sa murang edad na 12 at 13, naka-schedule na ang umano’y pakikipagtalik nila kay Quiboloy.

Grabe rin anya ang attraction ni Quiboloy sa mga menor-de-edad kaya tama lamang na tawagin itong pedophile.

Lumilitaw din sa kanilang imbestigasyon na nasa  15 mga menor-de-edad pa ang kailangang masagip sa KOJC compound sa Davao City. May listahan sila ng mga menor-de-edad.

Subalit ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, inosente pa rin ang pastor hangga’t hindi napapatunayan sa korte.

Naniniwala ang kampo ni Quiboloy na planted ang lahat ng mga ebidensiyang nakuha sa compound.

Tanging si Quiboloy lamang ang mananatili sa PNP Custodial Center dahil ang apat na iba pa ay ikukulong sa Pasig City Jail.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with