^

Bansa

Sa pag-veto sa restructuring bill, PNP walang sama ng loob kay Marcos Jr.

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala silang sama ng loob sa pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa panukalang reorganisa-
s­yon sa PNP.

Sa katunayan ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, suportado nila ang Pangulo at  nauunawaan nila ang pangamba nito sa pagbibigay ng compensation sa mga pulis.

“The Philippine National Police supports the decision of President Ferdinand Marcos Jr. to veto the proposed PNP reform bill,” ani Fajardo.

Ayon kay Fajardo, nais lamang ng Pangulo na mapanatili ang pantay na compensation at maiwasan ang anumang alitan.

Sa pag-veto sa panukala, sinabi ni Pangulong Marcos ang posibleng pagkaantala sa pagbabayad sa mga pulis dahil sa probisyon na magpapataas sa sahod ng mga kadete ng Philippine National Police Academy na lalampas pa sa sinasahod ng police lieutenant.

Laban din sa rightsi­zing program ng pamahalaan ang panukalang batas dahil mayroong iba’t ibang opisina ang gagawa ng magkakaparehong tungkulin.

Ani Fajardo, makikipag­tulungan sila sa Kong­reso para sa mga proposal sa hinaharap upang hindi ito magkaroon ng hindi magandang epekto sa mga umiiral na polisiya.

“We assure the public and the administration that the PNP will carefully consi­der the President’s observations,” dagdag pa ni Fajardo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with