Presidential Office for Child Protection itinatag ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Dahil sa tumataas na kaso ng online child sexual abuse at exploitation cases, nagtatag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang tanggapan na magbibigay proteksyon sa mga kabataan.
Sa Executive Order (EO) No. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad ang pagbuo ng Presidential Office for Child Protection (POCP). Layon nito na maproteksyunan ang mga bata laban sa physical at mental distress.
“In view of the increasing OSAEC (Online Sexual Abuse of Exploitation of Children) cases and other threats to the welfare of children in the Philippines... it is imperative to ensure a whole-of-nation approach in strengthening existing institutional and legal framework on child protection,” nakasaad sa EO.
Sa ilalim ng EO, tungkulin ng POCP na imonitor at tiyaking naipatutupad ang mga programa at polisiya ng gobyerno.
Bukod dito pinatutukan ang kapakanan ng mga bata, ang anti-OSAEC, anti-child human trafficking matters, at anti-CSAEM (Child Sexual Abuse or Exploitation Materials).
Pinagsusumite rin ang POCP ng mga policy recommendations sa Pangulo.
Pamumunuan ang POCP ng Presidential Adviser for Child Protection (PACP)at pangangasiwaan ng Special Assistant to the President (SAP).
Magiging miyembro naman ng POCP National Coordination Center, Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Council for the Welfare of Children (CWC), National Council Against Child Labor (NCACL)at Committee for the Special Protection of Children (CSPC).
- Latest