^

Bansa

COA inatasan local execs sa Legazpi, isoli P60 milyong ayuda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inutusan ng Commission on Audit (COA) kina dating Albay governor Noel Rosal, maybahay nitong si Legazpi City mayor Carmen Geraldine Rosal, at iba pang opisyal at empleyado ng lungsod na ibalik sa pamahalaan ang mahigit P60-million pondong pinamahagi umano nila noong 2022 sa kabila ng umiiral na election ban.

Sa unanimous en banc decision ng COA na may petsang Hulyo 31, 2024, pinagtibay ng ahensya ang notice of disallowance sa pamamahagi ng Legazpi City ng P26-milyong tulong pinansyal sa mga tricycle driver noong 2022 election campaign.

Ito ang naging sanhi ng diskwalipikasyon ni dating Legazpi City Mayor Noel Rosal bilang gobernador ng Albay at disqualification din ni Carmen Geraldine Rosal na noo’y tumatakbong alkalde ng lungsod kapalit ng kanyang asawa. Nakabinbin ang apela sa Korte Suprema.

Ang desisyon ng COA laban sa disqualified go­vernor ay nag-ugat sa awtomatikong pagrepaso sa notice of disallowance na inilabas ng regional office nito, na orihinal na kinansela ang pamamahagi ng P26.6 milyong tulong pinansyal sa 2,500 tricycle drivers at 23,302 indigent senior citizens noong election period.

Sa isang hiwalay na desisyon na may petsang Hulyo 31, 2024 din, itinaguyod naman ng COA ang pagbabawal ng Employee Welfare Assistance (EWA) sa mga opisyal at empleyado ng Legazpi City sa ilalim ng 2022 budget ng lungsod.

Pinagtibay ng COA ang desisyon ng tanggapang pangrehiyon noong Mayo 2022 na hindi pinahintulutan ang pagbibigay ng Legazpi City ng Economic Welfare Assistance (EWA) at karagdagang insentibo na nagkakaha­laga ng P30,000 sa bawat opisyal at empleyado ng lungsod. Ang hindi pinapayagang halaga, na may kabuuang P38.1 milyon, ay galing sa 2022 budget ng lungsod.

Noong Pebrero 2023, ang ordinansa ng Legazpi City na nagpapahintulot sa mga benepisyong ito ay pinawalang-bisa ng pamahalaang panlalawigan ng Albay. Binanggit nito na ang city government ay walang awtoridad na magbigay ng mga naturang benepisyo sa ilalim ng Salary Standardization Law. Tinutulan ng pamahalaang lungsod ang desisyong ito.

Iniutos ng COA na ibalik sa kaban ng bayan ang mga hindi pinapayagang benepisyo para sa mga opisyal at empleyado ng lungsod.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with