^

Bansa

100K Surigaonon natulungan ng pamahalaan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos 100,000 Surigaonon ang natulu­ngan ng gobyerno nitong Sabado mula sa pagkuha ng mga NBI at police clearance, birth certificate, TESDA certification, at marami pang iba.

Ito ay bahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na programa ng Pangulong Marcos para ilapit ang mga ahensya ng gobyerno at ibigay ang mga kailangan ng mga tao.

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kumatawan kay Pangulong Marcos sa BPSF sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur kasama ang 77 mambabatas.

Bukod sa mga serbisyo, namahagi rin ng halos P600 milyon na ayuda ang pamahalaan mula sa mga cash assistance ng DSWD at scholarship grant naman ng CHEd.

Ayon kay Romualdez, “ang BPSF ay one stop shop para hindi na kailangang magtungo pa sa Maynila o mala­king lungsod ang mga kababayan natin para makuha ang kanilang mga pangangailangan”.

Laking pasasalamat ni Rosario, 28, ng Bislig City dahil nakakuha siya ng certification at clearance para makapagtrabaho overseas.

Aniya, “tipid sa pamasahe at mahabang pila. Laking ginhawa ng serbisyo fair na ito”.

Umabot sa 6,000 residente ng Surigao del Sur ang nabiyayaan ng Cash and Rice Distribution (CARD) na programa ni Romuladez.

BPSF

TESDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with