^

Bansa

Minimum wage hike sa NCR, kasado sa Hulyo – DOLE

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Minimum wage hike sa NCR, kasado sa Hulyo � DOLE
Labor Secretary Bienvenido Laguesma on June 19, 2024.
STAR /Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inaasahang pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo ay maaaring maitaas na ang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ito’y kasunod na rin nang nakatakda nang pagdaraos ngayong Huwebes, Hunyo 20, ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng public hearing hinggil sa petisyong umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay media forum, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na maaaring mailabas ang bagong kautusan, bago ang anibersaryo ng pinakahu­ling wage order sa Hulyo.

Ayon kay Laguesma, base sa kasaysayan, ina­aprubahan ng RTWPB ang umento sa sahod matapos ang deliberasyon.

Pagtiyak pa niya, “Ang lahat ng naging deliberation ng wage board magkaroon ng dagdag.”

“Although, sinasabi siyempre na maliit at hindi sapat, pero ang bottom line meron dagdag,” pahayag pa ng kalihim.

Aniya pa, pinasimulan ng RTWPB sa NCR ang proseso noong Mayo kasunod na rin ng direktiba ni Pang. Marcos, kahit wala pang petisyon para sa wage hike.

Gayunman, kamakailan ay isang pormal na petisyon na rin ang inihain ng mga labor groups na humihingi ng P500 na umento sa daily wage ng mga manggagawa sa NCR.

Nabatid na ang kasalukuyang daily minimum wage rate sa NCR ay P610.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with