^

Bansa

PNP chief inutos paigtingin police visibility, pagpapatrol sa buong bansa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP chief inutos paigtingin police visibility, pagpapatrol sa buong bansa
Members of the Manila Police District (MPD) line in formation inside the MPD Headquarters along United Nations Avenue in Manila on June 4, 2024.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inutos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagpapaigting sa pagpapatrol gayundin ang police visi­bility sa buong bansa para sa mabilis na pagresponde.

Batay sa inilabas na kautusan ni Marbil kabilang din dito ang foot patrols kung direktang makikipag-ugnayan ang pulis sa mga residential, commercial at mga matataonng lugar at motorcycle patrols, na agad na reresponde sa mga nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Marbil, ma­ging ang Oplan Galugad na target ang inspeksiyon at paghahalughog at Oplan Sita na nagsasagawa ng checkpoints ay mas paiigtingin laban sa mga kontrabando.

Nabatid kay Marbil na inatasan niya ang nasa 85 porsiyento ng mga pulis na maging aktibo sa lansangan dahil mas kailangan ng publiko ang kanilang presensiya.

Naniniwala si Marbil na malaki pa rin ang naitutulong ng presensiya ng mga pulis sa lansangan laban sa mga kriminal.

“We are committed to making our communities safer by ensuring a strong police presence in public spaces. This initiative is designed to not only prevent crime but also to build trust and rapport with the communities we serve,” ani Marbil.

Aniya, pagkakataon na ng mga pulis na ipakita sa publiko ang kanilang sinserong pagseserbisyo ng walang anumang hinihintay na kapalit.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with