^

Bansa

Marcos nais imbestigahan 'hindi kilalang' Alice Guo

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya kilala si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, bagay na pinararatangang Chinese citizen, "espiya" at diumano'y protektor ng na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Nasasangkot ngayon si Guo sa kontrobersiya habang ipinagtataka nang marami kung paano siya naging alkalde sa gitna ng kwestyon sa pagkamamayan, late birth registration, kawalan ng impormasyon tungkol sa lugar ng kapanganakan, school school records, atbp.

"Paano siya tumakbong mayor? Kilala ko lahat ng mga taga-Tarlac na pulitiko eh. Walang may kilala sa kanya. Kaya nagtataka ako saan nanggaling ito?" ani Bongbong sa panayam ng media sa Cagayan de Oro nitong Huwebes.

"Bakit ganito ito? Hindi namin maalaman. Kaya kailangan talagang imbestigahan... Dahil ni-raid natin 'yung [POGO na iniuugnay sa human trafficking] sa Bamban. Nakita 'yung mga dokumento, kinukwestyon ngayon natin 'yan kung talagang totoo itong mga ito."

Sa ilalim ng Section 39 (a) na Local Government Code of the Philippines, kinakailangang Filipino citizen, registered voter at residente sa tinatakbuhaang lugar ang mga nais kumandidato.

Nagkita noong 2022 elections

Nag-post si Guo sa Facebook ng mga larawan dalawang taon na ang nakalilipas na nagpapakitang nakaharap niya ang dating presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Ayon sa Facebook post, siya ay nagpapasalamat dahil siya ay "naimbitahan" para masaksihan ang proclamation rally ng UniTeam.

"Maraming salamat po sa susunod na Presidente at Bise-Presidente ng ating Bansang Pilipinas, walang iba kundi si Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Inday Sara Duterte," ani Guo sa Facebook noong ika-8 ng Marso 2022.

"Masaya po ang inyong lingkod at naimbitahan nyo po ako na masaksihan ang inyong napakasuccessful na proclamation rally. Dito ko na rin po pormal na inimbitahan ang BBM-SARA Uniteam na dumayo at tumuloy sa mahal nating Bayan ng Bamban."

 

 

Ika-2 ng Abril 2022 nang sabihin ni Guo sa kanyang proclamation rally na Chinese ang kanyang ama habang Pilipina ang kanyang ina. Jian Zhong Guo ang tunay na pangalan ng kanyang tatay ngunit nakarehistro bilang Pilipino sa pangalang Anghelito Guo.

"Ako po ay isang Filipino citizen at may pusong Bamban," sabi ni Mayor Alice sa publiko.

Guo at POGO operations

Marso 2024 nang salakayin ng Philippine Anti-Organized Crime Commission, Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Zuan Yuan Technology Inc. matapos magreklamo ang Vietnamese at Malaysian na pwersahan diumanong dinedetine sa compound nito.

Una nang naibalitang gumagawa ng krimen gaya ng love scams ang naturang POGO hub, na para lang dapat sa operasyon ng sugal para sa mga dayuhang  bansa. Iniimbestigahan din ng PNP ang Zuan Yuan Technology Inc. para sa surveillance at hacking sa mga government websites.

Ngayong buwan lang nang ibunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakarehistro sa pangalan ni Guo ang metro ng kuryente ng naturang POGO hub. Gayunpaman, iginigiit ni Guo na wala siyang kinalaman dito.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAMBAN

BONGBONG MARCOS

CHINA

FACTCHECK

MAYOR

POGO

TARLAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with