^

Bansa

50°C heat index posibleng pumalo - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
50°C heat index posibleng pumalo - PAGASA
A woman uses an umbrella to shield from the sun during a hot day in Manila on March 3, 2025. Soaring temperatures shut down schools in nearly half the Philippine capital on March 3, local officials said, as the torrid dry season started in the tropical Southeast Asian country.
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Maaaring pumalo sa 50°C ang heat index o init factor sa katawan sa ilang bahagi ng bansa ngayong panahon ng tag-init.

Sinabi ng PAGASA na posible ring makaranas ng hanggang 41°C heat index sa susunod na dalawang araw ang Metro Manila, habang posibleng umabot sa 48°C hanggang 50°C sa ilang bahagi ng bansa, laluna sa Abril o Mayo.

Nitong Miyerkules ay naideklara na ng PAGASA ang panahon ng tag-init nang kumawala na ang hanging amihan sa bansa.

Dahil tag-init na at wala na ang amihan ay hindi na mararanasan ang Easterlies o ang pag-ulan na dulot ng pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin.

Gayunman maaari pa ring dumanas ng minsang pag-ulan sa bansa dahil sa thunderstorm.

HEAT INDEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with