^

Bansa

109 biktima ng armed conflict nakinabang sa pabahay ng NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng National Housing Authority (NHA) ng Pabahay ang may 109 na biktima ng armed conflict sa pagitan ng go­vernment forces at Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari sa Zamboanga City.

Ayon kay NHA general manager Joeben Tai, ang mga benepisyaryo ng programa ay pinagkalooban ng pabahay sa Ayer Village Subdivision Phase III sa Brgy. Sta. Barbara, Zamboanga City. Ang komunidad ng pabahay ay may dalawang palapag na bahay na may  kusina, banyo, kuwarto at labahan.

Bago ang paggawad ng pabahay, nagsagawa muna ng inspeksiyon si GM Tai upang matiyak ang kalidad ng nasabing proyekto.

Sa ilalim ng mandato ng NHA sa Calamity Housing Program, ang mga nasa­lanta ng kalamidad at armed conflict ay may karapatang magkaloob ng ligtas, matibay  at komportableng bahay.

Bukod dito, mayroon ding programang pangkabuhayan, oportunidad sa trabaho at skills-enhancement sessions ang NHA sa mga benepisyaryo  upang matiyak ang pag-unlad ng  komunidad.

Samantala, tumanggap naman ang mga biktima ng kalamidad ng tulong pinansiyal mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.

Una rito, namahagi rin ang NHA ng tig-P10,000 ayuda sa 438 pamilyang nasunugan sa Muntinlupa City.

Nagtayo rin ng information booth ang NHA upang isulong ang mga programa ng ahensiya na bilang suporta ito sa pagdiriwang ng Health Workers’ Day sa Department of Health (DOH) Main Office sa Maynila.

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with