^

Bansa

Government officials na tutulong sa ICC kakasuhan - DOJ

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananagot ang sinumang opisyal ng gobyerno na makikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV na malinaw ang direktiba ng Pangulo na hindi makikialam ang bansa sa imbestigasyon ng ICC sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng nakaraang administrasyon dahil sa ipinatupad na drug war.

Ang reaksyon ng opisyal ay kaugnay sa pahayag ni dating senador Antonio Trillanes na ang ICC investigators ay nakikipag-ugnayan na sa mga aktibo at dating opisyal ng PNP tungkol sa imbestigasyon nila sa drug war ng nakaraang gobyerno.

Paliwanag ni Clavano, bagamat hindi pa sila nakakatanggap ng ganitong impormasyon at kay Trillanes lang nila ito narinig, malinaw naman na gumagana ang justice system dito sa bansa at patunay dito ang maraming malalakas na kaso na naisampa at napanagot ang mga law enforecement officers na sangkot sa extrajudicial killings.

Kaya ang sinumang sasalungat dito ay maaaring maalis sa pulis at managot maging law enforcement o government official man ito dahil na rin sa conflict of interest at maaari silang kasuhan ng paglabag sa probisyon sa RA 6713 o conduct of public officers, gross neglect of duty or disobedience to authorities.

Maaari rin kasuhan ang mga retired officials na makikipagtulungan sa ICC.

 

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with