^

Bansa

Alvarez lilitisin na ng House Ethics

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa ‘withdrawal of support’ kay Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Nakatakda nang litisin sa House Committee on Ethics si dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kaugnay ng panawagan nito sa Armed Forces of the Philip­pines (AFP) na kumalas na ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay nito, umaasa naman si AKO Bicol Party­list Rep. Jil Bongalon, vice chairman ng komite na magsisilbing paalala sa kaniyang mga kasamahang mambabatas ang kaso ni Alvarez para umakto ang mga ito ng tama sa publiko bilang mga halal na public servants.

Isasagawa ang pagdinig matapos maghain ng reklamo si Tagum City Mayor Rey Uy laban kay Alvarez, kilalang kaalyado ni dating Pangu­long Rodrigo Duterte.

Nitong Huwebes ay nakitaan ng komite ang reklamo ng ‘probable cause’ para simulang litisin si Alvarez.

Magugunita na sa prayer rally ni Duterte noong Abril 14 ay nanawagan si Alvarez sa mga residente na mag-withdraw na ang AFP ng suporta kay PBBM.

Ipinunto ni Alvarez na kapag ginawa ito ng militar ay wala ng mapagpipilian pa si Marcos kung hindi ang bumaba sa puwesto at dito’y si Vice President Sara Duterte na ang magti-takeover bilang Pangulo ng bansa.

Nang hingan naman ng komento ay ipinagkibit balikat lang ni Alvarez ang isasagawang pagdinig at iginiit na handa niya itong harapin.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with