Eco zones sa Pinas binuksan sa lahat ng foreign investors
MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas sa lahat ng foreign investors ang mga economic zones sa bansa.
Dahil dito kaya inimbitahan ni Pangulong Marcos na mamuhunan sa bansa ang mga negosyante mula sa South Korea.
Sinabi ng Pangulo na naka-eengganyo ang investment arrangements na inilatag ng administrasyon.
“We have economic zones where anyone can participate,” pahayag ni Pangulong Marcos sa panayam ni Chang Dae-hwan, chairman ng South Korea’s Maeyeong Media Group.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat na samantalahin ng mga kompanya sa South Korea ang business at trade opportunities na inaalok ng economic zones sa Pilipinas.
May alok anya ang mga Ecozones na one common tax code at incentive scheme maliban dito hindi na rin aniya kailangan ng nga dayuhang kompanya na makipag-ugnayan sa ibat ibang local government unit (LGUs).
Inihalimbawa ni Pangulong Marcos ang Clark Freeport and Special Economic Zone (CFEZ) sa Clark City, Pampanga kung saan madali ang pagnenegosyo roon.
- Latest